|
|
Tip para
sa Fair Housing ngayong Buwan
-
Tip #1 Paghiling para sa mga
Makatwirang Tulong

-
Tip #2
Makatwirang
Tulong at Foreclosure (Pagreremata)

-
Tip #3
Medical Marijuana
bilang Makatwirang Tulong

-
Tip #4
Diskriminasyon Batay sa Bansang Pinanggalingan

-
Tip #5
Pagsagot ng mga
Katanungan mula sa mga Maaaring Maging Landlord

-
Tip #6
Ang Pagputol sa
Lease bilang isang Makatwirang Pagtulong

-
Tip #7
Diskriminasyon dahil
sa Relihiyon
-
Tip #8
Ano Ang Gagawin
kapag Hindi Maganda ang Dating Rekord sa Pagiging Tenant

-
Tip #9
Mga
Alagang-Hayop na Nagbibigay ng Emosyonal na Suporta

Upang makatanggap ng mga tip para sa Fair Housing sa Tagalog sa
pamamagitan ng mail, ipadala ang iyong pangalan at address sa
fairhousing@mhas-la.org o kaya sa:
Fair
Housing Tip of the Month - Tagalog
Mental Health Advocacy Services
3255
Wilshire Blvd., Suite 902
Los Angeles, CA 90010
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin si Carey Stone: (213) 389-2077, ext. 15.
(cstone@mhas-la.org).
Ipinagbabawal ng mga batas para sa Fair Housing ang
diskriminasyon sa housing batay sa mga sumusunod na katangian:
Lahi, relihiyon, bansang pinanggalingan, kulay, kasarian,
marital status*, ninuno*, katayuan ng pamilya, kapansanan, sekswal na
oryentasyon*, pinagmumulan ng kita.*
* Ito’y isang ipinagbabawal na batayan para sa
diskriminasyon sa California, ngunit hindi sa ilalim ng pederal na batas.
Pagtatanggi: Ang programang Fair Housing Tip ngayong
Buwan ay nagbibigay lamang ng kaalaman at hindi isang legal na payô.
Kung ikaw ay may legal na katanungan, mangyaring kontakin ang MHAS o ang
ibang abogado na iyong gusto.
Ang Tip para sa Fair Housing ngayong Buwan ay pinondohan
ng isang grant mula sa U.S. Dept. of Housing & Urban Development Fair
Housing Initiatives Program (Grant #FH400G10022).
Tip# 1 Paghiling para sa mga Makatwirang Tulong

“Nakatira ako sa isang malaking apartment building at ayon sa patakaran,
maaari lamang kaming pumasok at lumabas sa pintuan sa harap.
Madalas na maraming tao sa pintuan sa harap, at dahil sa aking kapansanan,
talagang naiilang akong dumaan sa mga taong iyon kapag pumapasok at
lumalabas ako.
Hindi
ako nakakapunta minsan sa aking mga appointment dahil masyado akong takot na
umalis sa aking bahay dahil ayaw kong gamitin ang pintuan sa harap at makita
ang mga hindi kilaláng tao.
Tinanong
ko sa management kung puede akong magdaan sa pintuan sa likod at hindi sila
pumayag.
Ano
ang dapa kong gawin?”
Ayon
sa batas:
Iniaatas ng mga batas para sa fair housing na gumawa ng mga eksepsiyon sa
mga patakaran ang mga housing provider kapag ito ay kapwa makatwiran at
kinakailangan upang pahintulutan ang isang taong mayroong kapansanan na
manirahan sa isang pabahay.
Ang
mga eksempsiyon na ito ay tinatawag na "mga makatwirang tulong."
Ayon
sa batas, kailangang hilingin ng tenant ang tulong at ipakita na
kinakailangan ito ng kanyang kapansanan at dapat ipagkaloob ng landlord ang
kahilingan, maliban kung ito ay masyadong mahirap o mahal (tinatawag na
"undue burden" o sobrang kahirapan) o ito’y nasa labas ng karaniwang sakop
ng pagnenegosyo (tinatawag na “fundamental alteration”).
Ano
ang gagawin:
Ipaliwanag sa management ng iyong building na ikaw ay mayroong kapansanan at
dahil dito’y talagang naiilang ka na dumaan sa maraming mga tao sa pintuan
sa harap.
Humingi ng pahintulot na gamitin ang back o side door bilang makatwirang
tulong.
Mainam
na isulat ang kahilingan, nang may petsa at iyong pirma.
Maaaring
humingi ng sulat ang management mula sa iyong healthcare o service provider
na nagpapatunay na mayroon kang kapansanan na nagpapahirap sa iyo na
mapaligiran ng mga tao.
Kung
tinanggihan ng management ang iyong kahilingan, alamin kung bakit at
subukang makipagtulungan sa management na maghanap ng tulong na maigi para
sa inyong dalawa.
Maaaring
mayroong legal na alalahanin sa kaligtasan ang management sa hindi
pagpapagamit ng back door.
Maghanap ng mga magandang solusyon na mag-aalis sa mga alalahanin ng
management at na tutugon din sa iyong mga sariling pangangailangan.
Kung
hindi kayo makahanap ng solusyon na katanggap-tanggap sa inyong dalawa, at
sa palagay mo’y ang iyong housing provider ay hindi nagsisikap na
makipagtulungan sa iyo upang maghanap ng praktikal na solusyon, maaari kang
magreklamo sa ahensiya ng fair housing sa iyong lugar, sa Department of Fair
Employment and Housing (DFEH) ng California o sa U.S.
Department of Housing and Urban Development (HUD).
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 2
Makatwirang Tulong at Foreclosure (Pagreremata)

"Ang aking landlord ay nasa foreclosure dahil hindi niya
mabayaran ang kanyang mortgage. Natatakot akong lumipat dahil mayroon akong
malubhang kapansanan at dahil dito’y mahirap maghanap ng bagong tahanan.
Maaari ba akong humingi ng karagdagang panahon bilang makatwirang tulong?
Gaano katagal ang panahong maibibigay sa akin? Anu-ano ang aking mga
karapatan?"
Ayon sa batas: Noong 2009, ipinasa ng Kongreso ang
pederal na Protecting Tenants in Foreclosure Act (Batas na Nagproprotekta sa
mga Tenant sa Pagreremata) (PTFA) upang bigyan ang mga tenant na naninirahan
sa narematang property ng karagdagang panahon upang makahanap ng bagong
bahay na matitirahan. Sa kasamaang-palad, maraming mga masasamang tao ang
hindi sumusunod sa batas upang ipagkait sa mga tenant ang mga karapatang ito
upang mapaalis sila nang mabilis sa kanilang property. Minsan ay
nakakatanggap ang isang tenant mula sa bangko o sa bagong may-ari ng paunawa
na hindi ayon sa batas at na nag-uutos sa tenant na umalis sa loob ng 3 araw.
Kaya mahalagang maunawaan mo ang iyong mga karapatan bilang isang tenant
kapag may foreclosure.
Sa ilalim ng PTFA, kung ikaw ay mayroong lease at patuloy
kang nagbabayad ng iyong renta, hindi ka maaaring paalisin ng bagong may-ari
hanggang nagtapós ang iyong lease, maliban kung plano niyang lumipat at
tirahan mismo ang iyong unit, at sa gayon ay dapat ka niyang bigyan ng kahit
man lamang 90 araw na paunawa. Kung ikaw ay may month-to-month lease (buwanang
kontrata ng pag-upa), maaari kang bigyan ng bagong may-ari ng 90 araw na
paunawa, sinuman ang maninirahan doon. Kung hindi ka nakabayad ng renta o
kung hindi mo sinunod ang kasunduan ng pagpapaupa, maaari ka pa ring
mapaalis sa loob ng tatlong araw na paunawa, na maaari ring mangyari kahit
na hindi na-foreclose ang property.
Kahit pagkatapos ng isang foreclosure, iniaatas pa rin ng
batas sa fair housing na isaalang-alang ng bagong landlord ang kahilingan
para sa tulong, at ibigay ang hiniling na tulong kung ito ay makatwiran. Ang
makatwirang tulong ay pagbabago sa mga patakaran o pamamaraan upang mabigyan
ang isang tao na mayroong kapansanan ng patas ng patas na access sa housing.
Ito ay dapat dulot ng kapansanan, at hindi ito maaaring maging isang sobrang
kahirapan sa landlord (sinuman ang may-ari ng property).
Ano ang gagawin: Kung hindi ka makakaalis sa loob ng
90 araw dahil sa iyong kapansanan, maaari kang humiling ng extension bilang
isang makatwirang tulong. Maaari mong ipahayag na kailangan mo ng
karagdagang panahon dahil hindi ka makakahanap ng ibang matitirahan sa loob
ng 90 araw dahil sa iyong kapansanan, at ginagawa nitong napakahirap na
maghanap ng housing, o dahil kailangan mong makahanap ng isang talagang
natatanging uri ng housing (tulad ng pabahay na accessible sa wheelchair)
dahil sa iyong kapansanan. Maaaring naospital ka at hindi mo nalaman na may
foreclosure hanggang isang buwan lamang bago mo kailangan umalis, at iyon
ang dahilan kung bakit kailangan mo ng karagdagang panahon. Gayunman,
maaaring sabihin ng bagong may-ari na ang ganoong kahilingan ay hindi
makatwiran, dahil ang paghintay upang ibenta ang property ay isang gastos na
mas malaki kaysa sa makatwirang inaasahan na bayaran ng landlord. Ang
karagdagang panahon ay maaaring ipagkaloob o hindi. Kung hindi ipagkakaloob
ng bagong may-ari ang karagdagang panahon na kinakailangan mo upang lumipat,
maaari kang mag-file ng reklamo.
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 3
Medical
Marijuana bilang Makatwirang Tulong

“Binigyan
ako ng reseta para sa medical marijuana upang tulungan ako sa aking
kapansanan sa katawan. Kamakailan lamang ay narinig ko ang aking landlord
nang sinabi niya sa isang kapitbahay na ayaw niya ang mga naninigarilyo ng
marijuana; natatakot akong mapaalis kapag ginamit ko ito. Sabi ng kaibigan
ko na kapag ginamit ko ang medical marijuana bilang tulong sa isang
kapansanan, ayon sa batas ay dapat pahinutulan ako ng aking landlord na
gamitin ito. Totoo ba ito?”
Sinsasabi ng
batas:
HINDI kinakailangan ng iyong landlord na pahintulutan kang gumamit ng
medical marijuana ayon sa kasalukuyang batas. Karaniwan, dapat pahintulutan
ng landlord ang mga pagbabago sa mga patakaran at polisiya upang payagan ang
isang tao na may kapansanan na manirahan sa isang unit, kung ang mga
pagbabago na iyon ay kinakailangan batay sa kapansanan ng tao at kung ang
mga pagbabago ay makatwiran. Ang mga pagbabago na ito sa mga patakaran ay
tinatawag na “mga makatwirang tulong.” Hiniling ng mga tao na pahintulutan
ng mga landlord ang paggamit ng medical marijuana bilang makatwirang tulong,
ngunit sa ngayon, hindi sinusuportahan ng batas ang karapatan ng tenant na
gumamit ng medical marijuana sa kanyang pabahay bilang makatwirang tulong.
Ito ay dahil ang marijuana ay nananatiling kontroladong substance sa ilalim
ng pederal na batas, at hindi malamang na ituring na makatwiran ang pilitin
ang isang landlord na tanggapin ang isang bagay na ipinagbabawal sa ilalim
ng pederal na batas kahit na inaprubahan ng estado ang paggamit nito.
Ano ang
gagawin:
Kung ayaw ng iyong landlord na pahintulutan ang paggamit ng medical
marijuana bilang makatwirang tulong, maaari ka pa ring mag-file ng reklamo
sa iyong local fair housing enforcement agency, o sa Department of Fair
Employment and Housing (DFEH) ng estado. Gayunpaman, malamang na ang iyong
reklamo ay hindi mauuwi sa anumang pagpapatupad laban sa landlord, ngunit
malugod na tinatanggap ng DFEH na magsumite ang mga tao ng mga ganoong
reklamo dahil nagdidebelop pa ang batas sa dakong ito.
Kung ikaw ay
naninirahan sa isang pabahay na may federal subsidy, mainam na malaman mo na
habang hindi iniuutos ng federal nondiscrimination laws sa mga awtoridad ng
public housing na pahintulutan ang medical marijuana bilang makatwirang
tulong, nag-isyu ang Department of Housing and Urban Development (HUD) ng
memo noong Enero 2011 na nagpapahayag na nasa pagpapasiya ng awtoridad ng
public housing ang paalisin o hindi paalisin ang isang tao na gumagamit ng
medical marijuana. Ibig sabihin nito, maaari mong mawala ang iyong housing
dahil sa paggamit ng medical marijuana pero ang indibidwal na awtoridad sa
pabahay ang magpapasiya tungkol dito.
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 4
Diskriminasyon Batay sa Bansang Pinanggalingan

“Limang taon na ako dito sa bansang ito at hindi Ingles ang aking
pangunahing wika. Kasalukuyang akong naghahanap ng bagong apartment.
Tuwing tatawag ako upang magtanong tungkol sa ‘For Rent’ ad, sinasabi sa
akin ng landlord na mayroong nang umuupa. Bilang eksperimento, hiniling ko
sa isang kasamahan sa trabaho na nagsasalita nang walang accent na tawagan
ang isa sa mga numero, pagkatapos sabihin sa akin na inuupahan na ang
apartment. Sinabi sa aking kasamahan sa trabaho na ang unit ay available at
binigyan siya ng appointment na tingnan ang unit. Nakakaranas ba ako ng
diskriminasyon dahil sa aking accent? Legal ba ito? Ano ang magagawa ko?”
Sinasabi ng batas:
Malamang na ikaw ay nakakaranas ng diskriminasyon batay sa bansang
pinanggalingan at ito’y hindi legal. Kapag sinabi ng landlord sa isang
gustong umupa na ang unit ay hindi available pagkatapos marinig ang boses ng
isang tao, pero ang unit ay available naman (tulad ng sa kasong ito),
malamang na nagdidiskrimina sa iyo ang landlord batay sa iyong accent, o
maaaring batay sa iyong pangalan. Ang diskriminasyon batay sa bansang
pinanggalingan o etnisidad ay labag sa batas. Kabilang sa iba pang anyo ng
diskriminasyon batay sa bansang pinanggalingan o etnisidad ay ang paghiling
ng social security number ng aplikante, pasaporte, sertipiko ng kapanganakan
(kung ito ay hindi hiniling sa lahat ng mga aplikante), o ang pagsabi na
baka mas maigi para sa aplikante ang ibang bahagi ng lungsod.
Ano ang gagawin:
Kung sa palagay mo ay nakaranas ka ng diskriminasyon sa pabahay, maaari kang
mag-file ng reklamo ng diskriminasyon sa isang local fair housing agency, sa
Department of Fair Employment and Housing (DFEH) ng California o kaya sa
federal Department of Housing and Urban Development (HUD). Ang isa sa mga
ahensiya na ito ay maaaring makipag-usap sa landlord upang pahintulutan kang
manirahan sa ispesipikong unit na iyon o sa isang katulad na unit. Gayundin,
maaaring multahan ang landlord sa ginagawang diskriminasyon sa pabahay.
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 5
Pagsagot ng
mga Katanungan mula sa mga Maaaring Maging Landlord

“Ano ang
gagawin ko kung ako ay nag-aaplay para sa pabahay at tinanong sa akin ng
landlord kung ginamot ako kailanman para sa sakit sa kaisipa? Kailangan ko
bang ibigay sa kanya ang personal na impormasyon tulad nito?”
Sinasabi ng
batas:
Hindi mo kailangang sagutin ang katanungang ito. Sa katunayan, ang landlord
na nagtatanong sa iyo ng mga katanungan hinggil sa iyong kalusugan sa
kaisipan ay lumalabag sa mga pederal at estadong batas ukol sa patas na
pabahay. Ipinagbabawal ng mga batas sa patas na pabahay na magtanong ang
landlord upang malaman ang kapansanan ng isang tao. Kabilang sa iba pang
mga paksa na ipinagbabawal sa landlord na itanong ay ang iyong lahi, kulay,
relihiyon, kasarian, bansang pinanggalingan, familial status, marital
status, pinagmumulan ng kita, kapansanan sa katawan, ninuno o sekswal na
oryentasyon.
Ano ang
gagawin:
Ang isang tugon sa ganoong labag sa batas na tanong ay ang subukang
pag-usapan ang mga ibang bagay. Maaari mong sabihin na “Iyan ay pribadong
impormasyon. Malugod kong sasagutin ang anumang mga katanungan na may
kinalaman sa aking pagiging karapat-dapat na tenant.” Kung patuloy pa ring
sinusubukan ng landlord na makuha ang impormasyon sa iyo sa paraang labag sa
batas, maaari kang mag-file ng isang reklamo.
Eksempsiyon:
Mayroong mga programa sa pabahay na nagbibigay ng pabahay sa mga taong
mayroong mga kapansanan o sa mga taong mayroong mga ispesipikong kapansanan.
Kung nag-aplay ka ng pabahay sa isa sa mga programang ito, pinahihintulutan
ang landlord na magtanong kung ikaw ay kwalipikado. Halimbawa, kung nag-aplay
ka ng pabahay para sa mga taong mayroong kapansanan, maaaring itanong ng
landlord kung mayroon kang kapansanan, ngunit hindi niya maaaring itanong
kung anong partikular na kapansanan ang mayroon ka. Kung ikaw ay nag-aplay
para sa Housing Opportunities for Persons with AIDS (HOPWA), maaaring
itanong ng landlord kung ikaw ay mayroong AIDS, ngunit hindi niya maaaring
itanong ang iyong T-cell count.
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 6
Ang Pagputol sa Lease bilang isang Makatwirang Pagtulong

“Lumipat ako dito sa aking apartment noong
nakaraang anim na buwan pagkatapos pumirma ng isang taon na lease. Sa mga
nakaraang ilang linggo, sumamâ ang aking kapansanan sa isip, lalo na dahil
sa stress na dulot ng aking mga kapitbahay sa itaas, na nagpapatugtog nang
malakas kapag gabing-gabi. Kapag nagreklamo ako sa aking manager, sinasabi
lamang niya na nagreklamo ako at pagkatapos ay nagbabanta sila sa akin.
Nakakatakot sila at sa palagay ko’y may ginawa sila sa aking sasakyan.
Natatakot akong tumawag sa pulis, at sa palagay ko’y hindi ako maaaring
manatili dito. Sabi ng aking psychiatrist, kailangan kung umalis para sa
aking pangkaisipang kalusugan, pero hindi ko kayang putulin ang aking lease.
Ano ang magagawa ko?”
Ayon sa batas: Sinusuportahan ng mga
batas ng fair housing ang karapatan ng isang tenant na may kapansanan na
maagang putulin ang isang lease term at iwasan ang multa na karaniwang
kailangang bayaran para sa maagang pagtapós ng lease kapag kailangang gawin
ito para sa mga dahilang mismong may kinalaman sa kapansanan. Ito’y
karaniwang halimbawa ng makatwirang pagtulong, o mga pagbabago sa mga
patakaran upang pahintulutan ang isang taong may kapansanan ng patas na
access sa housing.
Ano ang dapat gawin:
Sa sitwasyon na ito, kailangan mo siguro ng isang sulat mula sa iyong
psychiatrist, na nagpapaliwanag na ang kasalukuyang sitwasyon ay masamâ sa
iyong pangkaisipang kalusugan, at dahil sa iyong pangkaisipang kapansanan,
mahalagang pahintulutan kang itigil ang iyong lease nang maaga. Kung
tinanggihan ng iyong landlord ang kahilingan para sa makatwirang pagtulong,
tumawag sa isang abogado o mag-file ng reklamo.
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 7
Diskriminasyon dahil sa Relihiyon

“Kamakailan lamang ay nagpunta ang aking landlord
sa aking unit dahil mayroong aayusin, at nagalit siya nang may nakita siyang
relihiyosong altar. Pinatatanggal niya ito sa akin at talagang bastos siya.
Mayroon ba siyang karapatang sabihin sa akin kung ano ang maaari kong ilagay
sa aking bahay?”
Ayon sa batas: Hindi maaaring kontrolahin
ng isang landlord ang mga relihiyosong kaugalian ng mga tenant, basta ang
mga kaugaliang ito ay hindi nakakaistorbo sa mga karapatan ng ibang mga
tenant o hindi lumalabag sa ibang mga batas. Ang utusan ang isang tenant na
tanggalin ang anumang relihiyosong altar, mga simbolo o artwork ay isang
anyô ng relihiyosong diskriminasyon, at sa gayon ay ipinagbabawal ng mga
batas sa fair housing. Kabilang sa ibang mga anyô ng relihiyosong
diskriminasyon ang pagsabi sa mga tenant na hindi sila maaaring magsuot ng
mga pantakip sa ulo para sa kanilang relihiyon, ang hindi pagpapahinitulot
sa mga tenant na idisplay sa kanilang mga pintuan ang mga simbolo na
kailangang idisplay dahil sa kanilang relihiyon, at ang pagpapahintulot ng
mga relihiyosong dekorasyon ng isang relihiyon sa mga lugar na para sa lahat,
habang ipinagbabawal ang pagdisplay ng ibang mga relihiyosong dekorasyon.
Ang iisang uri lamang ng diskriminasyon dahil sa
relihiyon na pinapahintulutan ay kapag ang building ay pagmamay-ari ng isang
relihiyosong institusyon at nirerenta nito ang lugar para lamang sa kanyang
mga miyembro. Gayunman, hindi maaaring limitahan ng relihiyon ang membership
dahil sa lahi, kulay, o bansang pinanggalingan.
Ano ang dapat gawin:
Kung sa palagay mo’y nakakaranas ka ng diskriminasyon batay sa iyong mga
paniniwala, kaugalian, o identidad sa relihiyon, isulat ang lahat ng detalye
ng iyong pakikipanayam sa iyong landlord, kabilang ang mga petsa at mga oras
kung kailan sila nangyari. Maaari
kang magreklamo sa
ahensiya ng fair housing sa iyong lugar, sa Department of Fair Employment
and Housing (DFEH) ng California o sa U.S. Department of Housing and Urban
Development (HUD).
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 8
Ano Ang Gagawin kapag Hindi Maganda ang Dating Rekord sa Pagiging Tenant

“Noon
nakaraang apat na taon, pinaalis ako sa isang apartment dahil may ginawa
akong hindi kanais-nais, at nangyari ito habang nagbabago ako ng mga gamot.
Matatag na talaga ako nitong nakaraang tatlong taon, at naghahanap ako ng
bagong apartment. Hindi ko kailanman uulitin ang mga hindi kanais-nais na
kilos ngayong stabilized na ako. Paano ko ito ipapaliwanag kapag ako’y nag-aaplay
para sa housing at tinanong ako ng landlord tungkol sa dati kong rekord ng
pag-upa?”
Ayon sa
batas: Ang mga
landlord ay pinapahintulutang magkaroon ng pangkalahatang polisiya na hindi
magrenta sa mga taong may mga eviction sa kanilang mga record. Gayunman,
ayon sa mga batas ng fair housing, dapat handang ipawalang-bisa ng isang
landlord ang mga ispesipikong patakaran kung ang pagtanggi na hindi
ipawalang-bisa ang mga patakarang iyon ay magpipigil sa isang tao sa isang
tirahan dahil sa kanyang kapansanan. Alinsunod dito, habang ang isang
landlord ay may karapatang makasigurado na ang isang aplikante ay magiging
mabuting tenant, inaasahan siyang pahintulutan ang isang taong may
kapansanan na gamitin ang ibang paraan upang ipakita na siya’y magiging
mabuting tenant, kung kailangan gawin ito dahil may rekord ng eviction na
dulot ng kapansanan. Samakatwid, ang isang taong may kapansanan na nag-aaplay
para sa housing ay dapat bigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang anumang hindi
magandang impormasyon sa kanyang tenant history na dulot ng isang kapansanan,
at hilinging ipawalang-bisa para sa kanya, bilang makatwirang pagtulong, ang
istriktong polisiya hinggil sa pagkakaroon ng dating eviction.
Ano ang
dapat gawin:
Ipaliwanag ang iyong sitwasyon sa iyong bagong landlord. Ipaliwanag na dahil
sa iyong kapansanan, gumawa ka ng mga hindi kanais-nais na bagay na nauwi sa
iyong eviction, pero ngayong mayroon ka ng angkop na treatment, hindi
malamang na mangyayari muli ang iyong mga dating ginawa. Maaaring kailangan
mong magpakita ng sulat mula sa isang doctor, therapist, o social worker
upang kompirmahin ang iyong sitwasyon. Ang maigi ay ang magbigay ng sulat
mula sa iyong dating landlord, na nagpapaliwanag na sa pangkalahatan ay
mahusay kang tenant, kung hindi lamang sa mga insidenteng nangyari dahil sa
iyong kapansanan at na nauwi sa iyong eviction.
Kung tinanggihan
ka pa rin ng landlord ng unit,
maaari
kang magreklamo sa
ahensiya ng fair housing sa iyong lugar, sa Department of Fair Employment
and Housing (DFEH) ng California o sa U.S. Department of Housing and Urban
Development (HUD).
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
Tip# 9
Mga Alagang-Hayop na Nagbibigay ng Emosyonal na Suporta
“Ang aking tumatandang ina ay
nabiyuda noong nakaraang taon at siya’y nagluluksa pa rin. Naninirahan na
siya ngayon sa amin, kasama ng aking pamilya, pero ayaw niyang bumangon mula
sa kama at sinasabi niyang ayaw na niyang mabuhay. Nais kumuha ng pusa ang
aking anak upang masiyahan siya, dahil parang humuhusay ang kanyang mood
kapag dinala ng kaibigan ng aking anak ang kanyang pusa upang bumisita. Pero
ang aming landlord ay hindi nagpapahintulot ng mga alagang-hayop at ayaw
kong ma-evict. Ayaw kong nakikitang naghihirap ang aking ina tulad nito. Ano
ang magagawa ko?”
Ayon sa batas:
Maaaring may depression ang iyong
ina, at ito’y talagang karaniwang anyô ng pangkaisipang kapansanan na
maaaring magamot. Maaaring makatulong sa kanya nang husto ang isang
alagang-hayop na nagbibigay ng emosyonal na suporta. Nauunawaan ng batas na
paminsan-minsan ay kailangan ng isang tao ang suporta ng pagkakaroon ng
alagang-hayop para sa kabutihan ng kanyang emosyonal na pakiramdam, katulad
ng pangangailangan ng isang bulag na tao na nangangailangan ng guide dog.
Ayon sa batas, dapat pahintulutan ng isang landlord ang isang tenant na may
kapansanan sa paningin o pandinig na mag-alaga ng service dog, at kinikilala
rin ng mga batas sa fair housing na ang ilang mga taong may kapansanan ay
nangangailangan ng mga alagang-hayop na nagbibigay ng emosyonal na suporta.
Ang mga alagang-hayop na nagbibigay ng emosyonal na suporta ay hindi
kailangang specially trained, registered, o certified, at sa ilalim ng batas
sa fair housing ay naiiba sa mga ordinaryong alagang-hayop ang pagtrato sa
kanila. Habang ang isang landlord ay may karapatang magkaroon ng patakaran
na hindi magkaroon ng alagang-hayop, sa ilalim ng mga batas sa fair housing,
dapat gumawa ng eksepsiyon ang landlord at pahintulutan ang isang
alagang-hayop na nagbibigay ng emosyonal na suporta bilang makatwirang
pagtulong upang pahintulutan ang isang taong may kapansanan na mintinahin
ang kanyang housing kapag kinakailangan (at makatwiran). Ito’y lubos na
karaniwang makatwirang na pagtulong.
Ano ang dapat gawin:
Upang makakuha ng pahintulot na mag-alaga ng pusa ang iyong ina, dalhin siya
sa isang therapist upang makakuha ng assessment. Kung sumasang-ayon ang
therapist na ang iyong ina ay depressed, hilingin ang therapist na sumulat
at sabihin na ang iyong ina ay ginagamot para sa isang pangkaisipang
kapansanan at na inirerekomenda ng therapist na mag-alaga siya ng pusa para
sa emosyonal na suporta. Pagkatapos ay magsulat ka rin ng iyong sariling
sulat, pirmahan at petsahan ito, upang hilingin ang landlord na pahintulutan
ang iyong ina na mag-alaga ng alagang-hayop na nagbibigay ng emosyonal na
suporta bilang makatwirang pagtulong alinsunod sa mga batas sa fair housing.
Magtago ng kopya ng sulat para sa iyong sariling record.
Kung tinanggihan ng iyong landlord
ang iyong kahilingan,
maaari
kang magreklamo sa
ahensiya ng fair housing sa iyong lugar, sa Department of Fair Employment
and Housing (DFEH) ng California o sa U.S. Department of Housing and Urban
Development (HUD).
Upang
mag-file ng reklamo sa U.S. Department of Housing & Urban Development (HUD),
tumawag sa (800) 669-9777 o kaya’y mag-klik dito:
www.hud.gov/offices/fheo/online-complaint.cfm
Upang mag-file ng reklamo sa Department of Fair Employment & Housing (DFEH)
ng California, tumawag sa (800) 884-1684 o kaya'y mag-klik dito:
http://www.dfeh.ca.gov/Complaints_FileComplaint.htm
Bumalik sa itaas
|